Sunday, March 18, 2012

Ang aking pakikidalamhati sa kawalang pag-asa ng aking bansa.

Una sa lahat, hindi ko isinulat ito upang sirain ang anumang may kinalaman sa ating bansa, bagkus ay inilalathala ko lamang ang katotohanan at lahat ng aking nasasaksihan sa mahigit dalawang dekada ng aking pamumuhay.

Noong ako ay nasa sekondarya pa lamang, balot na ang aking isipan ng mga nakapangririmarim na kalagayan ng ating sambayanan. Mula sa politika, kultura hanggang sa pang araw araw na sitwasyon, di ko maiiwasang magduda kung paano pa aangat ang ating bayan. Kung ako ang mabibigyan ng kapangyarihan magpatakbo ng ating pamahalaan, ang unang bibigyan ko ng pansin ay edukasyon. Bakit?

Medyo magiging prangka ako sa mga susunod na sulatin, alam kong masasakyan niyo ang lahat ng sasabihin ko dahil ito ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino.

Sa bawat sulok ng Pilipinas, imposibleng wala kang makita/mababalitaan na:

Nanlilimos, Gumagawa ng krimen, Squatter's area, Pamilya na OA sa dami ng miyembro, at kung ano ano pa na nagpapakita ng kahirapan. Bakit nga ba andami nito sa bansa natin? Ano ba ang sanhi nito at patuloy pa rin at wala man lamang pagbabago? Simple lang, Kawalan ng edukasyon. Pagbali-baligtarin mo man ang mundo, kapag ang tao ay namulat na may gabay ng dunong, mas matututo siya sa buhay. Nakakalungkot lamang na imbes na ito ay maging karapatan, nagiging pribilehiyo na. Kung mabibigyan ng sapat na karunungan at kaalaman ang bawat isa, mas mabibigyan ng hustisya ang pag gawa ng tama kesa sa mali. Eh yung mga pamilya na sobra sa dami ang miyembro? masasaksihan mo yung ganyan sa mga squatter's area. Ba't nga ba ganon? simple, kawalan ng impormasyon. Hindi naman nila alam ang "sex education" eh. Ang alam lang nila eh masarap ang "sex" na dibaleng may mabuo eh okay lang. Di nila naiisip na magkakandarapa sila sa pagpapakain ng dose-dosena nilang mga anak. Sa totoo lang, naawa ako sa mga batang biktima ng pagiging iresponsable ng mga magulang. Tapos sisisihin nila ang gobyerno dahil naghihirap na sila at walang makain.

*photo courtesy of Joan Medalla, TaoPo.org

*photo courtesy of chinapost.com.tw


Ayan ang effect ng kawalan ng edukasyon/impormasyon. Dumarami ang taong walang dunong, di alam kung papaano aangat sa buhay. In short, paghihirap. So ano naman ang epekto ng poverty?

Ano pa ba? e di mga taong umaasa sa limos at pag gawa ng krimen! Pansin mo mga balita sa tv? yung mga nababalitang gumagawa ng krimen, kadalasang rason walang pangkain at panggastos sa pang-araw araw. Sabihin na nating di naman nila gusto gawin yun at natempt lang sila dahil desperado na sila sa kanilang buhay, hindi pa rin yun dahilan. Isa pa rin yong panlalamang.

Yan lamang ba ang totoong sanhi ng kahirapan? Puntahan naman natin ang mga walang-hiyang corrupt na politiko. Ba't nga ba sila nasa pwesto? sino may kasalanan, tayo din diba? dahil tayo ang nagluklok sa kinaroroonan nila ngayon! Ang mga taong walang alam/sapat na impormasyon, binoboto ang mga tao na di naman nila kilala. Napangakuan lang ng mga bagay bagay, hala sige, todo suporta na. Ganyan ang totoong nangyari, sistema na kumbaga. Nga pala, diba andami ring binoboto ng mga tao na galing showbiz? Dun lang nila kilala e. Kahit wala namang abilidad. Jusko, Lord.

Naaawa ako sa bansa natin. Walang maayos na sistema. Ang tuwid na daan ay malayo pang maaabot. HINDI SA LAHAT NG BAGAY EH GOBYERNO DAPAT ANG SISIHIN DAHIL ANG KAMALIAN, HINDI NATIN NAPAPANSIN, NAGSISIMULA SA ATIN! Dito sa atin kasi ay walang disiplina ang mga tao at laging gusto sa 'nakasanayan na yan e' mismo sila ang ayaw sa maganda pagbabago.

*photo courtesy of newsinfo.inquirer.net

Marami pang isyu ang ating bansa na dapat pagtuunan ng pansin (Separation of Church & State, Ineffective na Kapulisan etc..). Ngunit hindi ko na iisa isahin dahil baka makagawa ako ng isang libro.

Kayo, ano bang say niyo sa ating bayang sinilangan? Pareho ba tayo ng nararamdaman ng kawalang pag-asa? 

0 comments:

Post a Comment