Disclaimer ulit : Ang post na ito ay hindi malalimang tagalog, wag nyo husgahan ang aking writing skills. Watch out for some pang-kanto words.
Noong nakaraang linggo, wala na, ako ay Makati boy no more. Oo, resigned na ako sa trabaho. Umalis ako ng may ngiti sa labi, walang alinlangan at ano nga yun sa ingles? Ahh....regret. Alam nyo ba, tatlong buwan pa lamang ako sa aking unang trabaho? Di lang yan, Fresh grad pa ako.O diba? lakas ng loob! or more like kapal ng mukha. Teka, bakit nga ba? Ano nga ba ang mga dahilan ng pag alis ko?
Sa unang linggo ko sa trabaho, di ko inaasahan. Sanayan lang siya pero sobra talagang stressful (kelangan gamitin both intellectual and social skills! Pati pala physical!). Aba aba eh teka, maaaring sabihin nyo na "Bobo pala to eh, bakit mo tinanggap yung trabaho kung wala kang ideya sa gagawin mo?" Yun na nga, fine, my bad. Late na din kasi ako nakapag hanap ng work okay? Kaya sabi ko sa sarili ko, unang tumanggap sa akin, kukunin ko na.

E di ayun na, matapos ang ilang linggo, nababagot na ako sa ginagawa ko. Hindi ko gusto, at hindi ko nakikita ang sarili ko ng matagalan sa ganoong work. People-wise, napaka ganda. Super professional at babait ng mga tao. Para talagang pamilya. Kaso diba, hindi mo naman pwedeng isacrifice yung career mo para sa ganoon lamang na dahilan?
Sakto nga naman sa pag iinarte ko na mag resign na lamang, kailangan ng Dad ko ng help sa aming business. Since sobrang wineigh ko naman ang mga bagay bagay bago ako nag resign, tingin ko meant talaga ako na tumulong nalang sa aking Ama. Kasi diba, dun din naman ang bagsak ko? Marami na rin naman na kasing nagsasabi na ang calling ko talaga is mag business. Na nasa itsura ko daw ang pagiging businessman. O diba feel na feel ko e.
So, kamusta naman ako ngayon? eto. wala. Bahay muna. Hmm pahinga? haha. Basta bum ako. I'll start next week I swear, nakakahiya naman kasi sa mga magulang ko na nakatambay lang ako sa bahay.
I know that God has plans for me. Wala na akong pakielam ke mali o tama ang desisyon ko. Basta alam ko sa sarili ko na may patutunguhan ako. Hindi ko man oras o panahon ngayon, basta darating din ang pinakahihintay kong araw. Ang maging succesful at maipagmalaki ng aking mga magulang. Kaya Ma at Pa, chill lang kayo dyan. I won't settle being an inutil unemployed boy.
Don't you worry Jeo, God has better plans for you. Just deeply discern from Him.
ReplyDeleteThank you. I strongly believe in him. I have no worries :)
ReplyDelete